Dagdag na P21 sa minimum wage, epektibo na ngayon
Epektibo na ang dagdag na bente uno pesos sa minimum wage ng mga private sector workers sa metro manila simula ngayong araw, october 5.
Batay sa wage order no. rb NCR-21, inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region ang pagtaas ng pang araw-araw na minimun wage ng mga non-agricultural workers sa 512 pesos mula sa 491 pesos.
Samantala, makakatanggap naman ng minimum wage rate na 475 pesos ang mga agriculture workers, mga nagtatrabaho sa retail/service establishments na may labing limang empleyado pababa at manufacturing establishments na may sampung empleyado pababa.
Ayon sa wage board, ikinonsidera ang naturang implementasyon matapos makita ang inputs ng ibat ibang stakeholders mula sa grupo ng mga manggagawa at gobyerno sa consultation at public hearings.
Naging basehan din anila ang republic act 6727 o wage rationalization act.