Katapatan ng militar, tiniyak ng AFP kay Pangulong Duterte

Tiniyak ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines o AFP kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi manggagaling sa hanay ng militar ang anumang tangkang distabilisasyon laban sa administrasyon

Sa Mindanao hour sa Malakanyang sinabi ni AFP Spokesman Major General Restituto Padilla na tapat ang sandatahang lakas ng bansa sa Commander in Chief.

Ayon kay Padilla ramdam ng militar ang pagmamalasakit ng Pangulo sa mga sundalo kaya malabong may mahikayat ang mga grupong nagnanais ibagsak ang administrasyong Duterte.

Ipinaabot din ng AFP sa pamamagitan ni Padilla ang pasasalamat kay Pangulong Duterte sa pagtiyak na magiging doble ang kanilang sahod maliban sa mga bagong mga ksgamitan ng militar na magagamit para protektahan ang estado.

ginawa ni Padilla ang pahayag dahil sa patuloy na paglutang ng isyu ng distabilisasyon laban kay Pangulong Duterte.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *