Senador Manny Pacquiao, itinangging namagitan sa pagsuko ni Saranggani Mayor Lopez
Nilinaw ni Senator Manny Pacquiao na hindi sya nakipag-negosasyon para sa pagsuko ni Maasim, Sarangani mayor Anecito “Jojo” Lopez, Jr.
Ayon kay Pacquiao, nagpadala ng feeler si Lopez sa kanya sa General Santos kaninang tanghali na gusto nitong sumuko ng mapayapa.
Tinanggap naman ito ni Pacquiao pero ipinasa nya si Lopez kay Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Director General Aaron Aquino.
Ayon kay Pacquiao pinayuhan niya rin si Lopez na harapin ang anumang kasong isasampa laban sa kanya.
Iginiit namannni Pacquiao na walang maaasahang anumang tulong sa kanya ang sinumang local officials sa kanyang lalawigan na masasangkot sa ilegal na droga, corruption at iba pang ilegal na aktibidad.
Una nang nagsagawa ng raid ang PDEA sa seaside rest house ni Lopez sa Maasim kung saan nakumpiska ang 5-milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu, may nmini-shabu laboratory, at green book na naglalaman ng drug transactions at money trail.
Ulat ni Meanne Corvera