High profile drug lord at drug protector, tututukan ng pamahalaan kaya PDEA ang lead agency- Malacañang
Naniniwala ang Malakanyang na malaki na ang nabawas sa street level ng illegal drug trade kaya tututukan na ang mga high profile drug lord at drug protector.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ito ang dahilan kaya inilagay ni Pangulong Duterte sa kamay ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang lahat ng anti illegal drug operations ng gobyerno at inalis sa kamay ng Philippine National Police o PNP.
Ayon kay Abella itinaas na ng Pangulo ang level ng kampanya laban sa operasyon ng ilegal na droga.
Hindi naman niliwanag ni Abella kung may kinalaman ang pagkakasangkot ng ilang pulis sa kuwestiyunableng pagkakapatay sa mga drug personalities na iniuugnay sa kaso ng Extra Judicial Killings.
Ulat ni Vic Somintac