Mga immigration officer sa NAIA hindi muna papayagang magbakasyon hanggang Enero 2018

Bawal munang maghain ng leave o magbakasyon ang mga immigration officers sa NAIA at iba pang international pors hanggang Enero ng susunod na taon.

Sa directiba ni Immigration Commissioner Jaime Morente, ito ay simula sa October 28, 2017 hanggang January 15, 2018.

Ayon kay Morente, layunin nito na matiyak na may sapat silang mga taugan at di maantala ang serbisyo nila sa mga paliparan lalo na sa innanasahang dagsa ng mga biyahero sa darating na ASEAN Leaders’ Summit at holiday season.

Nilinaw ng opisyal na posibleng maranasan pa rin ang mahabang pila sa immigration counter sa NAIA sa Nobyembre dahil sa dami ng volume ng mga pasahero sa panahon ng ASEAN Summit at holidays.

Una nang binalaan ng BI empleyadong palagiang umaabsent sa trabaho na mahaharap sa parusa na hanggang anim na buwang suspensyon o pagkakasibak sa serbisyo.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *