Mga pulis at taxi driver na isinasangkot sa pagkamatay nina Angelo Carl Arnaiz at Reynaldo de Guzman, hiniling sa DOJ na ibasura ang kaso laban sa kanila.

Nagsumite na ng kontra-salaysay sa DOJ ang dalawang pulis Caloocan at ang taxi driver na ipinagharap ng mga kasong murder dahil sa pagkamatay nina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” De Guzman.

Pinanumpaan sa DOJ panel of prosecutors nina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita ang kanilang joint-counter affidavit kung saan hinihiling nila na ibasura ang mga reklamo laban sa kanila dahil sa kawalan ng merito.

Iginiit nina Perez at Arquilita na napatay sa isang lehitimong police operation si Arnaiz matapos nitong holdapin ang taxi driver na si Tomas Bagcal.

Prinotektahan lang anila ang kanilang sarili mula kay Arnaiz na pinaputukan sila ng baril.

Humarap din sa preliminary investigation ang si Bagcal kung saan nagsumite at pinanumpaan din niya ang kanyang depensa sa pangyayari noong August 18.

Samantala, binigyan ng panel ang mga complainant ng hanggang October 23 para maghain ng reply sa counter-affidavit ng mga respondent.

Itinakda naman ang susunod na hearing sa October 26.

Bukod sa mga kasong murder, sinampahan din ang tatlo ng kasong torture at planting of evidence sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *