Hangga’t hindi napupuksa ang kahuli-hulihang terorista, martial law magpapatuloy – Duterte
Mananatiling nasa ilalim ng martial law ang mindanao sa kabila ng pagkakasawi ng top leaders ng Maute group.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi aalisin ang martial law hanggat hindi napapatay ang kahuli-hulihang terorista.
Kaya siya nagdeklara ng martial law ay upang wakasan ang banta sa seguridad ng mga militanteng konektado sa Islamic State.
Iiginiit ng pangulo na maaari pang umatake ang mga ISIS inspired groups na ito laban sa pwersa ng pamahalaan habang isinasagawa ang mga clearing operations sa battle area.
Muli namang pinasalamatan ng pangulo ang US,China at Israel sa suporta ng mga ito at sa pagbibigay ng mga karagdagang armas para labanan ang terorismo sa Marawi City.