Malacañang nanindigang walang kinalaman sa kaso ng Rappler dahil ang mga opisyal ng SEC ay pawang Aquino appointees
Iginiit ng Malakanyang na wala itong kinalaman sa desisyon ng Securities and Exchange Commission o SEC laban sa Rappler.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque ang limang opisyal ng SEC maliban sa isa ay pawang itinalaga pa ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ayon kay Roque tanging si SEC Commisioner Emelio Aquino ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang Chairman na si Teresita Herbosa at mga Commissioners na sina Antoniet Ibe, Luis Amatong, James Viterbo ay pawang itinalaga ni dating Pangulong Aquino.
Inihayag ni Roque hindi makatuwiran na inimpluwensiyahan ng Malakanyang ang desisyon ng SEC na bawiin ang lisensiya ng Rappler.
Iginiit ni Roque na usapin ng pagsunod sa Corporate law na umiiral sa bansa ang pinagbatayan ng SEC decision sa Rappler at hindi isyu ng press freedom.
Ulat ni Vic Somintac