Comelec magsagawa ng serye ng public hearing ukol sa mungkahing ipagpaliban ang Barangay at SK elections sa Mindanao
Magsasagawa ng serye ng mga public hearing ang COMELEC kaugnay ng panukalang ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Mindanao na nakatakda sa May 14, 2018.
Sa minute resolution ng Comelec en Banc, itinakda ang mga pagdinig sa January 22, 2018 sa Gov. Carmina Avenue, Zamboanga City at sa January 29, 2018 sa Alnor Hotel and Convention Center sa Cotabato City.
Ang ikatlong public hearing ay gagawin naman sa Grand Caprice Restaurant and Convention Center, Limketkai Center, Lapasan sa Cagayan de Oro City sa January 23, 2018.
Layunin ng mga pagdinig na bigyan pagkakataon ang lahat ng mga interesadong grupo kung dapat bang ipagpaliban ang halalan sa Mindanao matapos na palawigin ang martial law doon sa loob ng isang taon.
Sa ilalim ng Omnibus Election Code, may kapangyarihan ang Comelec na iutos ang pagpapaliban sa pagdaraos ng eleksyon sa alinmang political subdvision.
Ulat ni Moira Encina