Dalawang kumpanya sinampahan ng kasong tax evasion sa DOJ dahil sa mahigit na P200M hindi binayarang buwis
Ipinagharap ng reklamong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue o BIR sa Department of Justice o DOJ ang dalawang kumpanya sa mga lungsod ng Makati at Parañaque dahil sa utang sa buwis na umaabot sa mahigit dalawangdaang milyong piso.
Pinakamalaki sa hinahabol ng BIR ang tax liability ng ski construction group incorporated sa may paseo de roxas, makati city na umaabot sa 206. 34 million pesos noong 2005 at 2010.
Kabilang sa kinasuhan ang mga opisyal ng Ski construction na sina Claudio B. Altura, Albert Altura at Cornelio V. Caedo.
Samantala, umaabot naman sa 15.16 million pesos ang hindi nabayarang buwis noong 2008 ng Y.N General Services Incorporated at mga opisyal nito na sina Ernesto C. Navo, Emerlita D. Navo at Eliza Eleonor Davo.
Ayon sa BIR, naabisuhan na nila ang mga respondents pero patuloy na bigong bayaran ang kanilang mga pagkakautang sa buwis kaya iniakyat na nila sa DOJ ang kaso.
Ulat ni Moira Encina