Mga lumang gamit sa bahay, muling binigyang buhay ng isang artist sa pamamagitan ng cross-stitched patterns
Nagkaroon ng panibago at makulay na buhay ang mga lumang kagamitan at kasangkapang pambahay matapos itong gamitin bilang art subject ng 61 anyos na si Ulla Stina Wikander, isang Swedish artist.
Si Wikander na 1986 pa nagsimulang maging artist, ay mahigit 10 taon nang nangungulekta ng mga cross-stitched embroideries at sa ngayon may malaki na siyang koleksyon na aabot sa mahigit 100 iba’t-ibang disenyo.
2012 nang sinimulan niyang balutan ang mga ordinaryong kagamitang pambahay na mula pa sa dekada 70, gaya ng sewing machine, vacuum cleaner, electric mixer at iba pa gamit ang cross-stitch embroideries.
Aniya, nagkainteres siyang nakita kung paano mag-transform ang mga vintage objects at magkaroon ng panibagong anyo gaya ng mga bagay na luma at hindi na ginagamit.
Malimit magpunta si Wikander sa mga fleemarkets at vintage stores upang maghanap ng mga materyales para sa kaniyang artworks.
Aniya, isa hanggang 2 araw ang kaniyang nagugugol para balutan ang maliliit na bagay gaya ng plancha o telepono pero kung malalaking items naman ay umaabot ang kaniyang pagbabalot ng hanggang isang linggo.
===========