Pagpapahalaga sa sinaunang Alpabeto ng Pilipinas, layon ng isinusulong na National Writing System Act
Umaasa si 2nd District Pangasinan Representative Leopoldo Bataoil na maisasabatas sa lalung madalnig panahon ang isinusulong niyang House bill no. 1022 o ang National Writing System Act.
Ayon kay Bataoil, layunin ng nasabing panukala na maideklara ang Baybayin bilang National writing system ng Pilipinas at makilala ng publiko lalu na ng mga mag-aaral ang sistema ng pagsusulat ng mga sinaunang Filipino.
Nakasaad sa panukala ang mandato sa mga Local Government Units na gagamitin ang Baybayin sa mga pangalan ng kalye, mga public facilities at public buildings kasama ang mga ospital, istasyon ng pulis, community centers at government halls.
Maging sa labeling ng mga produkto ay gagamitin rin ito.
Magpapalabas din ng mga reading materials ang Department of Education o DepEd para sa lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan para sa paggamit ng Baybayin.
Cong. Bataoil:
“Once it becomes a law, then everybody will be aware of Baybayin especially the students and DepEd will be tasked to draft the Implementing Rules and Regulations o IRR and then the IRR nila, they will present it to us kung ano yung mga procedures and how it will be introduced to the Education system”.
===============