Panukalang Drug test sa mga Grade 4 students may legal na basehan- Senador Lacson
Idinepensa ni Senador Panfilo Lacson ang plano ng Philippine drug
Enforcement Agency o PDEA na magsagawa ng mandatory drug test sa mga guro at mga Grade 4 students sa lahat ng eskwelahan sa buong bansa.
Ayon kay Lacson, may ligal na basehan at kinatigan na ng Korte Suprema
ang hakbang ng PDEA.
Tinukoy ni Lacson ang Section 36 ng Republic Act 9165 o Comprehensive
Dangerous Drugs Act of 2002 kung saan nakasaad na maaring magsagawa ng
random drug testing sa mga estudyante sa Secondary at Tertiary public
o Private schools pero kailangang sagutin ng gobyerno ang gastos para
dito.
Wala aniyang masama sa drug test kung makakatulog ito para tuluyang
maresolba ang drug addiction at illegal drug trade.
Sen. Lacson:
“Aside from helping the government’s prioritized efforts to curb drug
addiction and trade, there is sufficient legal basis and jurisprudence
in the conduct of random drug testing among junior and high school
students”.
Pero pinayuhan ni Senador JV Ejercito ang PDEA na maghinay-hinay at
pag-aralan munang mabuti ang pagpapa -drug test.
Bagamat aminado itong maraming mga bata ang nasasangkot sa paggamit ng
iligal na droga, hindi ito dapat gawing mandatory sa lahat ng
eskwelahan.
Senador JV:
“Grade 4 masyado naman mababa, pero I would not be surprise at the
very young age, nagsisimula yan sa rugby minsan may nakikita ako bata
may hawak na sigarilyo, parang masyado naman bata probably high school, mas pwedeng sila ang pumasok sa drugs and other vices”.
Ulat ni Meanne Corvera