Malacañang binantaan na mahaharap sa kaso sina Ben Tulfo at dating Tourism Secretary Wanda Tulfo Teo dahil sa pagmamatigas sa umanoy anomalyang kinasasangkutan
Dismayado ang Malakanyang sa pagmamatigas ni Ben Tulfo at dating Tourism Secretary Wanda Tulfo Teo na ayaw isauli ang 60 milyong pisong pondo ng pamahalaan sa advertisement ng Department ofTourism na nasilip ng Commission on audit o COA na may iregularidad.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi na hayaan na gumulong ang legal process sa kaso ng mga Tulfo.
batay sa pahayag ni Ben Tulfo Chief Executive Officer ng Bitag Media Unlimited na malinis ang kanilang konsensiya sa pagkakakuha ng 60 milyong pisong advertisement ng Department of Tourism sa kanyang programa sa PTV 4 sa panahon ng panunungkulan ng kanyang kapatid na si dating Tourism Secretary Wanda Tulfo Teo
Iginiit pa ni Ben Tulfo na legal ang kontrata sa pagitan ng DOT at Bitag Media Unlimited kaya mamumuti ang mata ng mga umaasang ibabalik ang 60 milyong pisong advertisement contract.
Ulat ni Vic Somintac