Malakanyang tutol sa pagsali ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson sa information campaign sa Federalismo

Inihayag ngayon ng Malakanyang na sa umpisa pa lamang ay tutol na ang Office of the Executive Secretary sa pagsawsaw ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa information campaign para ipaunawa ang Federalismo.

Sinabi ni Presidential communications secretary Martin Andanar na mismong si Executive Secretary Salvador Medialdea ay kontra sa pagpasok ni Mocha Uson sa kampanya para ipaliwanag ang Federalismo.

Ayon kay Secretary Andanar dahil sa kapalpakan ni Uson sa ginawang video ukol sa Federalismo pinatitigil na ito sa pagsali sa information campaign.

Maging ang mga miyembro ng Consultative Committee na pinamumunuan ni Retired Supreme Court Chief Justice Renato Puno ay pinapatigil si Uson sa pagsali sa information campaign sa Federalismo dahil sa ginawa nitong pagkakalat sa halip na makatulong ay makakasama sa kampanya ng pamahalaan sa Federalismo.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *