MMDA, umapila sa publiko na bigyan sila ng pagkakataong maipatupad ng maayos ang Provincial bus ban sa Edsa

Umapila ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa publiko na bigyan sila ng pagkakataong maipatupad ng maayos ang pagbabawal dumaan ng mga Provincial buses sa Edsa simula sa Agosto 15.

Sa panayam ng programang Serbisyo ng Agila, sinabi ni MMDA Spokesperson Celine Pielago na tiwala ang kanilang kailangan para maiplementa ng maayos ang nasabing polisiya.

Handa naman aniya silang mag-adjust o amyendahan ang bus ban sakaling hindi ito magiging epektibo.

May mga itinalaga rin aniya silang MMDA enforcers upang mangasiwa sa mga itinalagang mga bus main stations at upang matiyak na magiging maayos ang pagpapatupad ng bus ban.

We have this common terminal in Cubao, lahat pwedeng mag-terminal doon, so yung nabanggit na wala pang bakanteng lote, ito yung long-term project kasi yun ang kailangan nating solusyunan, Total ban ang mga provincial buses sa Edsa but it will take time. I’m appealing to the public na give us a chance and trust. Ma-implement muna bago magreklamo”.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *