Kakaibang ugali ng isang matabang pusa, kapag humihingi ng pagkain

Viral ngayon ang isang fat shelter cat sa Chicago, na nagpapakita ng kakaiba nitong ugali kapag humihingi ng pagkain.

Si Bruno na isang Russian blue cat sa wright-way rescue sa morton grove sa chicago, ay dinala doon noon pang Abril.

Subalit nitong nakalipas na weekend lamang naging viral si Bruno, matapos i-post ng facility sa YouTube ang kaniyang na nagpapakita ng kakaiba niyang gawi sa tuwing hihingi siya ng pagkain.

Ito ay ang pagtayo gamit ang dalawa niyang mga binti at paa sa likod, at dahil nga mataba kaya ang kaniyang tyan ay nakalaylay na sa sahig.

Ayon sa wright-way rescue, dina-diet nila ngayon si Bruno para mag-slim down ito, dahil ang kaniyang timbang na 25-pound ay lampas na sa 7-10 pound na normal na dapat maging timbang ng gaya niyang Russian blue breed.

Si Bruno ay isa ring Polydactyl, na ang ibig sabihin ay mas marami siyang daliri kumpara sa karaniwang pusa.

 

============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *