Pagharang ng Philconsa sa pagpapatupad ng Bangsamoro Organic Law, ipinapaubaya na ng Malakanyang sa Korte Suprema

Ipinapaubaya na lang ng Malakanyang sa Korte ang kahahantungan ng mga inihaing petisyon ng ibat-ibang grupo na may kinalaman upang harangin ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sa harap ito ng petisyong isinampa sa kataas-taasang hukuman ng grupong Philippines Constitution Association o Philconsa na humihingi ng TRO sa SC upang pigilan ang pagpapatupad ng EO 120 na lumikha ng Bangsamoro Transition Commission.

Ang pagharang ay ginawa gayung dalawang autonomous region lamang aniya ang pinapahintulutan ng Konstitusyon at ito ay ang Cordillera at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, bahala na ang Korte Suprema tungkol sa mga inihaing petisyon kasabay ng pagtangging magbigay ng anomang komento tungkol sa usapin.

Inihayag ni Panelo na kung iniakyat na sa hukuman ang petisyon, hindi na sila dapat pang magbigay ng anomang pananaw o reaksiyon dito sa subjudice doctrine.

Bukod sa Philconsa, una nang naghain ng petisyon sa SC si Sulu Governor Abdusakur Tan II na kumkuwestiyon sa legalidad ng Bangsamoro Organic Law.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *