Mahigit 1000 exotic na pagong nakumpiska ng BOC sa NAIA
Kabuuang 1,529 na buhay na exotic na pagong ang nakumpisla ng Bureau of Customs sa NAIA Terminal 2.
Nai-turn over na ng BOC sa Department of Environment and Natural Resources-Wildlife Traffic Monitoring Unit ang mga exotic turtles.
Kabilang sa mga nasabat ay ang Star Tortoise, Redfoot Tortoise, Sulcata Tortoise, at Red-eared Slider.
Natagpuan ang mga pagong sa mga naiwang bagahe ng isang pasahero na mula sa Hong Kong.
Sinabi ng BOC na iligal ang pagkalakal o pagbebenta ng mga wildlife alinsunod sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
May parusa na hanggang dalawang taong pagkabilanggo at multa na mula 20 thousand pesos hanggang 200,000 pesos ang mga masasangkot sa illegal wildlife trading.