Pangalan ng mga NARCO Politicians, ilalabas sa susunod na linggo ayon sa Malacanang
Pursigido ang Malakanyang na ituloy ang pagsasapubliko ng mga listahan ng mga kandidato sa 2019 midterm elections na iniuugnay sa illegal na droga sa bansa.
Sa press briefing sa Malakanyang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na tungkulin ng gobyerno na ipaalam sa publiko ang mga bagay na maituturing na public concern bilang bahagi ng kanilang right to information alinsunod sa nakasaas sa konstitusyon.
Ayon kay panelo mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabi na ang isyu sa illegal na droga ay banta na sa pambansang seguridad.
Inihayag ni Panelo na kailangang umaksyon ang pamahalaa dahil kung hindi ay nanganganib ang kaligtasan ng publiko sa sandaling maupo sa posisyon sa gobyerno ang mga politico na sangkot sa illegal drug trade.
Niliwanag ni Panelo ang paglalabas ng narcolist bago ang May 13 midterm elections ay magsisilbing gabay sa mga botante kung sion oang mga pulitikong dapat na maluklok sa puwesto.
Binigyang diin ni Panelo mas dapat na manaeig ang interes ng bansa kaysa isyu ng presumption of innocence.
Ulat ni Vic Somintac