Mga motorcycle riders pinayuhan ng Malakanyang na dumulog sa Korte Suprema dahil sa pagtutol sa pagpapatupad ng doble plaka sa mga motorsiklo

Sinabihan ng Malakanyang ang mga motorcycle riders na tumakbo na lamang sa Korte Suprema dahil sa pagtutol sa Motorcycle Crime Prevention Law. 

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo tanging ang Korte Suprema lamang ang makapagsasabi kung mayroong ilegal at labag sa Konstitusyon sa probisyon ng isang batas.

Ayon kay Panelo walang sinumang maaaring lumabag sa probisyon ng batas matapos itong magkabisa.

Mariing tinututulan ng mga motorcycle riders ang probisyon ng bagong batas na Motorcycle Crime Prevention Act na nagoobliga sa mga motorcycle owners na lalagyan ng plate number ang mga motor sa harap at likod.


Ulat ni Vic Somintac

Pagtutol ng mga motorcycle rider sa paglalagay ng plate number sa harap at likod ng motorsiklo dapat iapela sa Korte Suprema ayon sa Malacañang .
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *