Senate leadership kinumpirma ang bangayan sa Committee Chairmaship pagpasok ng 18th Congress
Kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto na may nangyayaring bangayan ngayon at agawan sa Committee Chairmanship sa Senado.
Sinabi ni Sotto na may mga incumbent Senators na ayaw i-give up at nais pa ring hawakan ang kasalukuyang pinamumunuang Komite pero may mga incoming Senators na gusto rin ang naturang mga komite.
Bagamat ayaw pangalanan sinabi ni Sotto na kabilang sa pinag-aagawang komite ang Blue Ribbon Committee na nag-iimbestiga sa mga kaso ng katiwalian, committee on justice, health committee at iba pang malalaking lupon.
Ang problema ayon kay Sotto hindi ito maaaring mapunta sa incoming Senators kung hindi kusang-loob na ibibigay ng mga incumbent dahil sa umiiral na Equity of the Incumbent rule.
Hindi rin aniya ang liderato ng Senado ang magde-desisyon sa isyu kundi kailangan pa itong pagbotohan sa plenaryo.
Pero na nagpatawag na aniya sila ng meeting sa susunod na linggo pagkatapos na mag sine die adjournment ng 17th Congress para pag-usapan ang gusot.
Sabi ni Sotto, pipilitin nilang ipaintindi sa mga baguhang senador ang mga umiiral na patakaran sa Senado na maaari ring mangyari sa kanila pagsapit ng 2022.
Ulat ni Meanne Corvera