Pagpapatigil sa operasyon ng mga Lotto oulets, pansamantala lang – Sen. Bong Go
Pansamantala lang ang ginawang pagpapasara ni Pangulong Duterte sa mga outlet ng lotto sa buong bansa.
Ito ang tiniyak ni Senador Christopher Bong Go matapos ipasara ng Pangulo ang operasyon ng lahat ng sugal na inooperate ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa korapsyon.
Ayon kay Go, nakausap niya kagabi ang Pangulo at tiniyak na ibabalik rin ang operasyon ng mga lotto dahil sa libo-libong mga manggagawa na maaaring mawalan ng trahabo.
Hinihintay lang aniya ng Pangulo ang resulta ng mga iniutos na imbestigasyon at malinis ang malawakang korapsyon.
Senador Bong Go:
“Antayin na lang natin ano magiging directives ng Pangulo sa ngayon as of last week sinara nya muna lahat ng operations ng PCSO and i respect that at alam nyo graft ridden po ang PCSO at marami pong mga kontrata na hindi pabor sa gobyerno hindi pabor sa PCSO at ito ang gustong silipin ni President Duterte”.
Pagtiyak naman ng Senador, magpapatuloy ang pagbibigay ng charity services ng gobyerno lalo na sa pagpapagamot kahit pa tigil ang gaming operations.
Samantala, sinabi naman ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na diskarte ito ng Pangulo para mahinto ang kalokohan at malinis ang bansa sa korapsyon.
“Nagsusulputan ang mga peryahan ng bayan. Problema ko yan nung PNP chief ako. Enforcement yan sa order ng Presidente”.
Iminungkahi naman ni Senador Sherwin Gatchalian na isapribado na lang ang operasyon ng pcso para masolusyunan ang korapsyon.
Kung isasapribado kasi aniya ang operasyon nito, makakasiguro ang gobyerno na makokolekta ang lahat ng remittances at hindi mapupunta sa bulsa ng mga tiwaling opisyal.
“I-simplify natin yung operation ng PCSO. I-privatize natin ang operations ng PCSO, lahat ng mga palro doon at ang mga nakokolekta ay ibigay sa DSWD”.
Ulat ni Meanne Corvera