Antas ng tubig sa lahat ng dam sa Luzon, tumaas sa nakalipas na 24 oras
Naragdagan ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa Pag-Asa, mula sa 179.59 meters kahapon, October 11, umakyat ito sa 181.98 meters ang antas nito ngayong araw, October 12.
Bahagya ring tumaas ang antas ng tubig sa lahat ng dam sa Luzon.
Ipo Dam, mula sa 100.34 meters, naitala sa 101. 11 meters ang antas ngayong araw.
La Mesa dam- mula sa 79.37 meters, tumaas sa 79.73 meters ang lebel nito ngayong araw.
Ambuklao, mula sa 744.18 meters ay naitala sa 745.41 meters ngayong araw.
Binga dam- mula sa 572.62 meters ay naitala sa 572.67 meters ngayong araw.
San Roque- 239.31 meters kahapon, naitala sa 239.66 meters ngayong araw
Magat dam, mula sa 181.37 meters, naitala sa 182.20 meters ngayong araw.
Caliraya dam, mula sa 286.84 meters ay naitala sa 288.06 meters ngayong araw.
Pantabangan dam, mula sa 186.06 ay naitala sa 186. 33 meters ang antas nito ngayong araw.
(Pag-Asa DOST)