Publiko sinabihan na ng malacañang na kalimutan muna ang tradisyunal na selebrasyon ng Holiday Season at pagsalubong sa bagong taon dahil sa pandemya
Ipinagpauna na ng Malacañang na hindi mangyayari ang tradisyunal na selebrasyon ng holiday season at pagsalubong sa bagong taon dahil sa pandemya ng Covid-19.
Sa virtual press briefing sa Malacañang sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng mga standard health protocols tulad ng palagiang pagsusuot ng face mask, face shield, paghuhugas ng kamay at social distancing bawal muna ang pagsasagawa ng mga holiday season party at iba pang social gatherings hanggang sa pagsalubong ng bagong taon.
Ayon kay Roque pinapayuhan ng pamahalaan ang publiko na iwasan muna ang pagdaraos ng malakihang family reunion sa panahon ng holiday season at new year celebration.
Inihayag ni Roque, hanggat wala pang available na bakuna para makabalik sa dating normal na pamumuhay ay gawing simple at pang-pamilya lamang ang holiday season gathering at pagdiriwang ng bagong taon.
Vic Somintac