Mga pamilya sa Batangas at Laguna, nakinabang sa proyektong Tilapia Farming ng DOST
Tilapia para sa Pamayanan o Backyard Tilapia Farming ang proyektong isinagawa ng Department of Science and Technology Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARD).
Sa pamamagitan ng proyektong ito, pinagkalooban ng libreng fingerlings feeds at technical support ang mga farmers co-operators sa 17 fishponds sa Laguna at Batangas.
Ang fishponds ay may sukat na 2,798 metro kuwadrado.
Nagsimula ang nasabing proyekto nito lamang nakalipas na Hunyo taong kasalukuyan at nabenepisyuhan ang mga barangay sa Laguna gaya ng Malinao, Taytay at Munting Kawayan sa Munisipalidad ng Majyjay; Pupuy sa Bay; Mabacan sa Calauan at Malinta sa Los Baños.
Habang sa Batangas naman, ang mga beneficiaries ay ang mga taga Barangay Bucana, Cogonan, Manggahan, Putat, Bautista at Butucan sa munisipalidad ng Nasugbu.
Ang proyekto ay makapagdudulot ng food supply sa mga pamilya sa mga nasabing Barangay at karagdagang pagkakakitaan dahil sa maaari nilang ibenta ang tilapia na kanilang inani.
Samantala, ayon naman kay Engr. Eduardo Manalili, Director ng Inland Aquatic Resources Research Division ng PCAARD, sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan ay maaari nang anihin ang tilapia.
Binigyang-diin pa ng PCAARD na ang tilapia sa pamayanan ay isa sa maraming proyekto ng PCAARD upang tugunan ang epekto ng Covid-19 Pandemic sa maralitang komunidad ng bansa.
Belle Surara