Bilang ng aktibong kaso ng Covid-19 sa Santa Rosa City, Laguna, mahigit 90 na lang
Nasa 90 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Santa Rosa City, Laguna.
Batay sa pinakahuling datos ng City Health Office, kabuuang 97 na lamang ang COVID patients sa lungsod.
Nadagdagan naman ng 23 ang panibagong gumaling mula sa sakit habang mayroong dalawang bagong kaso ng virus.
Sa kabuuan, 2,451 na ang mga naka-rekober mula sa COVID sa Santa Rosa City
Wala namang bagong naitalang pumanaw kaya nananatiling 49 ang bilang ng mga nasawi dahil sa virus sa lungsod.
Moira Encina
Please follow and like us: