Silang Cavite Municipal Agriculture Office namahagi ng iba’t-ibang uri ng fruit bearing trees para sa kanilang mga magsasaka na naapektuhan ng kalamidad.
Aabot sa mahigit isangdaang fruit bearing trees ang ipinamahagi ng Silang municipal Agriculture Office.
Ang mga naturang fruit bearing trees ay para sa kanilang mga kababayang naapektuhan ng pagsabog ng bulkang taal at mga naapektuhan ng nagdaang bagyong ulysses.
Makakatulong ang mga pananim na ito para maibalik ang kabuhayan ng mga magsasaka sa Silang Cavite na hirap na makabangon sa kanilang pamumuhay dahil sa sunod sunod na kalamidad na tumama sa lalawigan at dagdag pa riyan ang pandemiyang dulot ng Covid 19.
Jet Hilario
Please follow and like us: