Oral arguments sa mga petisyon kontra sa Anti-Terror law, itinakda ng Korte Suprema sa January 19, 2021

Sa susunod na taon pa masisimulan ang oral arguments sa mga petisyon laban sa Anti- Terrorism Act.

Sa advisory ng Supreme Court en banc, itinakda ang oral argument sa January 19, 2021 sa ganap na ika-2:00 ng hapon sa En Banc Session Hall.

Mayroong tig-30 minuto ang mga abogado ng mga petitioners at respondents para iprisinta ang kanilang argumento.

Inatasan din ng Korte Suprema ang bawat panig ng mga petitioners na makipagugnayan sa isa’t isa at magsumite ng manifestation sa Enero 13 ng susunod na taon.

Nakasaad sa manifestation ang pangalan ng mga abogado na magpiprisinta sa bawat isang isyu o group of issues, at ang oras na nakalaan sa bawat isa.

Sinabi rin ng SC na hanggang tatlong abogado lamang ang maaaring isama sa oral arguments ng Solicitor General na tumatayong counsel ng gobyerno na respondent sa mga petisyon.

Kabuuang 37 petisyon ang inihain sa Korte Suprema ng ibat ibang grupo para hilinging ipawalang bisa ang Anti Terror law dahil sa sinasabing paglabag sa Saligang Batas.

Moira Encina

Please follow and like us: