No Contact Apprehension program, inilunsad sa Maynila


Pormal ng inilunsad sa lungsod ng Maynila ang No-contact apprehension program na ipapatupad sa lahat ng pangunahing lansangan sa lungsod. 


Ang paglulunsad sa programa ay pinangunahan mismo ni Manila Mayor Isko Moreno na ginawa sa intersection ng Quirino Avenue at Taft Avenue sa Malate, Manila. 


Kaya naman babala ni Mayor Isko sa mga motorista, magmaneho ng maayos at ligtas para makaiwas sa violation at multa.


Ayon sa alkalde, malaking bagay ito dahil kahit na gabi ay tiyak na mahuhuli parin ang mga traffic violator. 

Ayon sa alkalde nasa halos 1 libo ang bilang ng kanilang Manila Traffic and Parking Bureau enforcers. 


At sa tulong ng mga makabagong camera makaaktulong ito ng MTPB ngayon sa paghuli sa mga lumalabag sa batas trapiko. 


Ang Notice of Violation ay maaari aniyang matanggao ng may ari ng sasakyan sa loobn ng dalawang linggo.


Sa ilalim ng Ordinance No. 8696 o ang No Contact Apprehension program, nakasaad na 2,000 pisong multa ang ipapataw sa unang paglabag, 3,000 sa ikalawang paglabag at 4,000 sa ikatlong paglabag para sa mga mahuhuli sa:

  • Lalabag sa traffic signs 
  • Obstruction sa pedestrian lane
  • Over-speeding
  • Hindi pagsusuot ng helmet para sa mga nagmomotorsiklo 
  • Pag-disregard sa lane markings

Multa naman na 3,000 para sa first offense, 4,000 sa second offense at 5,000  sa third offense sa mga mahuhuli sa:

  • Pag counterflow
  • Reckless driving
  • Hindi pagsusuot ng  seatbelt
  • Anti-distracted driving
  • Pagmamaneho ng hindi rehistradong sasakyan 
  • Hindi pagkabit ng awtorisadong plaka ng sasakyan

Madz Moratillo

Please follow and like us: