Ramon Tulfo, sinampahan na naman ng Libel case sa Korte
Nadagdagan na naman ang mga kasong libelo na kinakaharap ng kolumnistang si Ramon Tulfo sa Korte.
Ito ay matapos sampahan ng Pasay City Prosecutors Office si Tulfo ng kasong libelo sa Pasay City Regional Trial Court.
Sa resolusyon ni City Prosecutor Elmer Cris Rillo, nakasaad na nakitaan ng probable cause para isampa ang reklamo sa Korte.
Ang kaso ay nag ugat sa isinampang reklamo ni Mamerto Mesa III, isang ministro ng Iglesia ni Cristo dahil sa mga mapanirang pahayag ni Tulfo sa kanyang programa sa radio station na DWIZ.
Sa resolusyon sinabi ni Rillo na ang mga mapanirang salitang binitiwan ni Tulfo sa kanyang programa laban sa INC ay isang krimen ilalim ng Republic Act 355 o Libel.
Madz Moratillo