2 COVID-19 vaccine nakapasa na sa vaccine expert panel at Ethics Review Board
Dalawang COVID-19 vaccine na ang nasa proseso ng aplikasyon sa Food and Drug Administration para makapagsagawa ng clinical trial sa bansa.
Ito ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire ay matapos maaprubahan kapwa ng Vaccine expert panel at Ethics Review Board ang bakuna ng Jansen at Clover Biopharmaceuticals.
Bago kasi makapag-aplay sa FDA ay kailangan munang maaprubahan kapwa ng Vaccine expert panel at Ethics Review Board ang isang bakuna.
Ang ilan pang pharmaceutical companies na nais makapagsagawa ng clinical trial sa bansa ay ang sinovac na naaprubahan na ng vaccine expert panel at ang AstraZeneca naman na naaprubahan na ng ethics review board.
Una ng sinabi ng DOH na hindi mas maganda kung ang COVID-19 vaccine na bibilhin ng gobyerno ay magsasagawa ng clinical trial sa bansa para makita kung epektibo rin ito sa mga pinoy.
Madz Moratillo