Apat na volcanic quakes , naitala sa Mayon Volcano
Apat na volcanic earthquakes ang namonitor sa Mayon Volcano sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine institute of volcanology and seismology o PHIVOLCS, nagpapatuloy ang sulfur dioxide emission ng bulkan na may average na 676 tons kada araw mula pa noong disyembre 29.
Samantala , nakataas pa rin ang Alert level 1 status ng bulkan.
Nagpaalala ang PHIVOLCS sa mga residente na huwag nang pumasok sa 6 kilometer permanent danger zone dahil nasa abnormal na kondisyon pa rin ang bulkan.
Phivolcs
Please follow and like us: