World migration, bumaba ng 30% dahil sa pandemya
UNITED NATIONS (AFP) — Bumaba ng halos 30% ang global migration bunsod ng coronavirus pandemic, kung saan mas kakaunti ng nasa dalawang milyon ang nagmigrate sa pagitan ng 2019 at 2020.
Ayon sa United Nations (UN) report, nasa 281 milyong katao ang naninirahan sa labas ng kanilang country of origin noong 2020.
Ang report na pinamagatang “International Migration 2020,” ay nagpapakita na two-thirds ng registered migrants ang tumira sa 20 mga bansa, kung saan nangunguna sa listahan ang United States na may 51 milyong international migrants noong 2020.
Sinundan ito ng Germany na may 16 million, Saudi Arabia na may 3 million, Russia na may 12 million at Britain na may nine million.
Nangunguna naman ang India sa talaan ng mga bansa na may pinakamalaking diasporas noong 2020, kung saan 18 milyong Indians ang tumira sa labas ng kanilang country of birth.
Ang iba pang mga bansa na may malaking transnational community ay ang Mexico at Russia, na kapwa may tig-11 milyon, China na may 10-milyon, at Syria na may walong milyon.
Noong 2020, ang pinakamalaking bilang ng international migrants ay nanirahan sa Europe, na may kabuuang 87 milyon.
Halos kalahati ng international migrants ay nanirahan sa rehiyong kanilang pinagmulan, kung saan nasa Europe ang may pinakamalaking bilang ng ntra-regional migration.
Pitumpong porsyento ng migrants na isinilang sa Europe ay tumira sa iba pang European country.
© Agence France-Presse