Mahigit 100,000 inmates napalaya sa panahon ng pandemya

 Umabot sa mahigit 100,000 persons deprived of liberty o PDLs ang napalaya mula nang mag-umpisa ang lockdown sa bansa noong Marso ng nakaraang taon.

Ayon kay Chief Justice Diosdado Peralta, kabuuang 109,234 PDLs ang napalaya mula sa mga kulungan magmula noong March 17, 2020 hanggang December 31, 2020.

Ito ay sa pamamagitan anya ng mga isinagawang 51,514 videoconferencing hearings at 57,720 in-court hearings sa mga nasabing panahon.

Inihayag pa ni Peralta na ang mga ipinatupad ng SC na humanitarian measures na layong maiwasan ang pagkalat ang COVID sa mga piitan ay nagresulta rin para makalaya ang maraming inmates sa panahon ng pandemya.

Marami anya sa mga PDLs ay nakalaya dahil sa reduced bails, at kung napagsilbihan na ang minimum impose penalty sa kaso na kanilang kinakaharap.

Moira Encina

Please follow and like us: