Kaso ng South African variant sa bansa halos 60 na
Naragdagan pa ang mga bagong kaso ng South African variant ng COVID-19 dito sa bansa na sa ngayon ay umabot na sa 58.
Ito ay matapos iulat ng Department of Health na may 52 pang karagdagang kaso ng South African variant ang naitala sa bansa.
Sa 52 na ito, 41 ang nasa National Capital Region habang ang 11 naman ay bineberipika pa kung local cases o returning Overseas Filipinos.
Ayon sa DOH, ang isa sa 52 na ito ay nakarekober na habang ang iba ay aktibong kaso pa.
Kaugnay nito, nakapagtala naman ang DOH ng 31 pang karagdagang kaso ng UK variant sa bansa.
Ang 28 rito ay nasa NCR, habang ang 3 ay bineberipika pa kung local case o returning OFWs.
Lahat ng 31 na ito ay active cases pa.
Dahil rito, umabot na ngayon sa 118 ang kabuuang bilang ng UK variant case sa bansa.
Madz Moratillo