NBA All-Star 3-point contest, napanalunan ni Stephen Curry
LOS ANGELES, United States (AFP) — Napanalunan ng Golden State Warriors sharp-shooter na si Stephen Curry, ang 3-point contest nitong Linggo, sa final round ng NBA All-Star Game sa Atlanta, Georgia.
Tinalo ni Curry si Mike Conley ng Utah Jazz.
Si Curry, na isa sa best shooters ng NBA at league leader sa 3-pointers sa first half ng kasalukuyang season, ang paboritong manalo sa kompetisyon. Nakagawa siya ng isang red-hot 31 points sa unang round, kung saan kasabay niyang umabante si Conley at Jayson Tatum ng Boston.
Subalit sa final round ay lumamang ng isang puntos si Curry laban kay Conley, kung saan nakagawa siya ng 28 points kontra 27 points ni Conley.
Ayon kay Curry . . . “I knew I had to knock it down. It was a fun battle. I’m glad I got it done.”
Si Curry ay isang beses pa lamang nanalo sa three-point contest, at ito ay noong 2015.
Ang event ay kadalasang ginagawa ng Sabado ng gabi sa All-Star weekend, ngunit dahil sa pandemya ang lahat ng All-Star activities ay nilimitahan na lamang sa isang araw, kung saan ang three-point contest at ang Skill Challenge, ay naging curtain-raisers na ng mismong game.
Ang Indiana Pacers forward naman na si Domantas Sabonis ang nagwagi sa Skills Challenge, kung saan tinalo niya ang big man ng Orlando Magic na si Nikola Vucevic sa final round ng speed competition, na susubok sa husay ng manlalaro sa dribbling, passing at iba’t-ibang uri ng shooting skills.
Tinalo ni Sabonis sina Julius Randle ng New York Knicks at Luka Doncic ng Dallas Mavericks, para makarating sa final.
Si Sabonis ay runner-up sa event noong 2020, na pinanalunan ni Bam Adebayo ng Miami.
Ayon kay Sabonis . . . “It was fun. I wanted to make sure I won it this time.”
© Agence France-Presse