700,000 pamilya sa Maynila pagkakalooban ng food boxes bilang bahagi ng COVID-19 Food Security Program
Pinaalalahanan ni Mayor Isko Moreno ang General Services Office, Department of Engineering and Public Works at Department of Public Services ng Lungsod ng Maynila na maghanda ng food boxes.
Ito ay ipapamahagi sa mahigit 700 libong pamilya sa Maynila bilang bahagi ng kanilang COVID-19 Food Security Program.
Sa pinakahuling datos, nasa 825 ang aktibong kaso ng COVID- 19 sa Lungsod.
Nasa 27,447 naman ang nakarekober na mula sa sakit habang may 813 ang nasawi.
Tiniyak naman ni Mayor Isko na handa ang anim na district hospitals ng lungsod sa gitna ng nagpapatuloy pang COVID-19 pandemic.
Madz Moratillo
Please follow and like us: