LeBron at Lakers, top sellers ng NBA merchandise at jerseys
NEW YORK, United States (AFP) — Top sellers ng NBA merchandise at jerseys, si LeBron James at ang kasalukuyang kampeon na Los Angeles Lakers.
Ang resulta na inanunsyo ng league and players union, ay base sa NBA store website sales para sa first half ng 2020-21 NBA season, na natapos na nitong nakalipas na linggo.
Gayunman, walang sales figures na inilabas kundi rankings lamang, kung saan ang Lakers superstar na si James ang nangunguna sa most popular selling jerseys, na sinundan ni Slovenian Luka Doncic ng Dallas Mavericks, Brooklyn’s Kevin Durant, Golden State’s Stephen Curry at Greek star Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks.
Ang Nets ang second-highest team sa most popular team merchandise sales list, na kinabibilangan ng tatlong top-10 jersey sellers, na sina Durant, Kyrie Irving na nasa pang-anim na pwesto at si James Harden na nasa pang siyam.
Ang sales ranking ng Brooklyn ay malamang na lalo pang palakasin ng paglipat ni Blake Griffin sa koponan.
Ang iba pang top-10 jersey sellers ay sina Anthony Davis ng Lakers na nasa ika-pitong pwesto, Boston’s Jayson Tatum na pangwalo, at Zion Williamson ng New Orleans Pelicans na pang-sampu.
Ang Golden State ang ranked third sa pangkalahatang merchandise sales list, na sinundan ng Boston Celtics, Philadelphia 76ers, Miami Heat, Chicago Bulls, Dallas Mavericks, Toronto Raptors, at Milwaukee Bucks.
© Agence France-Presse