Mga pumasa sa 2020 Shari’ah Special Bar Examinations, nanumpa na
Nanumpa na ang mga pumasa sa 2020 Special Bar Examinations for the Shari’ah Courts.
Isinagawa ang oath taking sa pamamagitan ng video conferencing dahil sa nagpapatuloy na pandemya.
Tanging sina Chief Justice Diosdado Peralta, SC Clerk of Court Edgar Aricheta, at Deputy Clerk of Court at Bar Confidant Rosita Requillas-Nacional ang nasa SC Session Hall para sa seremonya.
Dumalo ang mga matagumpay na examinees sa pamamagitan ng pagsali sa online video conference.
Sinaksihan din virtually ng ibang mahistrado ang seremonya.
Kabuuang 71 lamang mula sa 654 examinees o 10.86% ang pumasa sa Shari’ah Special Bar Examinations.
Sinabi ni Court of Appeals Justice Japar Dimaampao , Chair ng 2020 Committee on the Shari’ah Bar Examinations, na ito na ang pangalawa sa lowest passing percentage sa kasaysayan ng nasabing pagsusulit.
Moira Encina