Generation labels, akma ba sa atin?
Ikaw ba ay batang isinilang noong 70’s, 80’s o 90’s na kagaya ko?
O kabilang ka sa grupo ng tech savy, mga milineyal, o kaya naman kasama ka sa baby boomers, mga ipinanganak pagkatapos ng World War II.
Ano nga ba ang tinatawag na generation at paano ito nabuo? ‘Yan ang ating aalamin mula sa isang sociologist.
Sa paliwanag ni Dr. Jayeel Cornelio, sociologist at Director ng Development Studies ng Ateneo de Manila University, ‘Yung naririnig nating generation labels tulad ng baby boomers, Gen Z, Gen X at Kung ano-ano pa ay hango sa Estados Unidos.
Sa pananaw ni Dr. Jayeel, dapat tingnan at pag aralan kung akma na ang generation labels na mga nabanggit kung iaaplay o gagamitin sa Philippine context?
Tandaan anya na ang mga terminolohiyang ginamit ay nakaayon sa kung ano ang kanilang naging kasaysayan, at nadevelop after the war. Nagkaron sila ng paglago ng ekonomiya o economic prosperity.
Iba kung titingnan sa Pilipinas. Kaiba ang pinagdadaanan natin sa kanila, kaya nga, hindi akma ‘yung mga generation label sa atin.
Uulitin ko Lang ‘yung mga generation label, Ito iyung generation Y, Z, milenyals …Dito sa atin, ano ba ang mga pangyayari sa kasaysayan na humubog sa consciousness ng isang henerasyon?
Halimbawa noong 70s? Ang consciousness ay martial law, hindi ba? Yun namang 90s, OFWs. Ako’ ay isang anak ng ofw at marami sa mga kahenerasyon ko ay anak ng ofws din. Marami kaming shared experiences na siyang humubog sa pag-uugali at paniniwala sa panahong Ito, 1990s.
Sa sinasabing Millennial generation naman, ayon kay Dr. Jayeel, Yung 80s at 90s sa America ay ‘yung young professionals, highly educated, middle class. Habang dito sa Pilipinas, hindi ganun.
Iba ang sitwasyon ng mga kabataan dito, maraming unemployed at under employed.
Ano ba ang characteristic ng mga Pinoy noon? Most likely anak sila ng ofw. Matatandàn na ang deployment ay nagsimula noong 1970s sa panahon ni Marcos. Noong 80s nandun ang maraming ofw sa Gitnang Silangan, at 90s sa HongKong.
Dagdag pa ni Dr. Jayeel, Hindi nga ba tumatak sa ating consciousness ‘yung kung anong dapat kuning kurso noong 80s? Physical Therapist. Noong 90s, nursing. Para makuha ka ng kamag-anak sa abroad at makatulong sa pamilya.
Bilang panghuli, sa pananaw ni Dr. Jayeel, ang salitang generation ay nabuo mula sa pinagsama-samang karanasan ng tao, bunga ng social transformation, technological advancement, mga pinagdaanang giyera, economic growth, political development at shared experiences.