Pag overhaul sa IATF, igiit ng isang senador
Napapanahon na umanong i-overhaul ang mga pinuno ng Inter Agency Task Force at National task force on infectious diseases.
Sa harap ito ng pagsirit ng kaso ng nagkakaroon ng virus na pumalo na sa mahigit isang milyon.
Sinabi ni Senador Risa Hontiveros na bigo ang mga pinuno ng task force na tugunan ang problema sa pandemya.
Ang pagtaas aniya ng kaso ay dulot lamang ng hindi pagpupursige ng mga pinuno ng task force na paigtingin ang testing, contact tracing at isolation sa mga nagkakaroon ng COVID- 19 kahit pa may ipinatupad muling enhance community quarantine.
Hinahanap rin ng Senador ang mass hitting ng mga medical frontliners samantalang nakasaad ito sa mga ipinasang batas ng kongreso.
Paalala ng Senador mismong ang World Health Organization ang nagsabing malapit nang lumagpas ang Pilipinas sa red line o kakayanan ng healthcare system na gumamot.
Statement of Senator Riza Hontiveros
(Buong taon, paulit-ulit ang mga panawagan ng lehislatura at ng taumbayan na magkaroon ng systematic testing, tracing, treating, isolation, at treatment, ngunit hindi tayo pinapakinggan.The current IATF-NTF has used more of its time repackaging data for PR purposes than hitting any of our targets. Wala man lang makabuluhang pagbabago,)
Meanne Corvera