Pagamutan ng Dasmariñas, binuksan na ang Holding Area nito para sa mga may sintomas ng Covid-19
Binuksan na sa Dasmariñas Cavite ang bagong Holding Area na itinayo malapit sa Emergency Room ng Pagamutan ng Dasmariñas.
Layunin nitong matugunan ng City Govt ng Dasmariñas Cavite ang dumaraming kaso ng CoViD-19 sa lunsod.
Ang naturang pasilidad ay nagkakahalagang aabot sa P20 Million pesos.
Ang naturang Holding Area ay paglalagakan ng mga Persons Under Investigation at ng mga pasyenteng naghihintay ng resulta ng swab test.
Ang pasilidad ay may 20-bed capacity at meron ding oxygen tanks, at mga life-saving equipment na kailangan sa emergency cases.
Mayroon din itong mga nakaduty well-trained doctor at nurses para sa paggamot ng CoViD-19.
Umaasa naman ang mga opisyal ng Dasmariñas City Govt na makakatulong ang nasabing pasilidad para mabawasan ang dumaraming bilang ng mga tinatamaan ng Covid 19..