11 mga hog raiser sa Batangas nakatanggap ng Financial Assistance mula sa Dept. of Agriculture Calabarzon
Matapos makatanggap ng financial assistance ang nasa mahigit dalawampung mga magbababoy sa batangas na naapektuhan ang kanilang alagang baboy ng ASF.
Karagdagang labing-isang mga hog raiser mula sa mga bayan ng Catanauan at Mulanay ang nabigyan ng tulong pinansyal o bayad pinsala na tig limang libong piso sa kada baboy na kanilang isinuko sa Dept. of Agriculture.
Matapos ang isinagawang depopulation activity sa tatlong bayan sa batangas nitong nakaraang buwan ay isinagawa din ang kaparehong aktibidad sa Catanauan at Mulanay para maiwasan ang pagkalat ng ASF sa batangas province.
Umaasa ang naman ang D.A Calabarzon na sa pamamagitan ng ipinagkaloob na financial aid para sa mga naapektuhan ng ASF ang kanilang alagang baboy ay magkakaroon sila ng alternatibong mapagkukunan ng ikabubuhay.
Nagpapasalamat naman ang mga hog raiser sa financial assistance na ipinagkaloob ng ahensya sa kanila.