Dept. of Agri. Reg.4a ipinamahagi na ang nasa 850k worth na poultry-based livelihood support sa mga grupo ng magsasaka sa Sinaloan Laguna.
Itinurn-over na rin ng ahensya ang nasa 850 thousand worth ng poultry-based livelihood support, para naman sa grupo ng magsasaka na kabilang sa Pangkalahatang Samahan ng Magsasaka ng Siniloan o PASAMASI sa Sinaloan laguna.
Ang naturang pangkabuhayan package na ipinagkaloob ng D.A calabarzon ay kinabibilangan ng 1,200 itik (ducks), 216 bags ng duck layer feeds, at 1 incubator unit.
Nasa 20 mga magsasaka sa Sinaloan ang makikinabang sa pangkabuhayang hatid ng ahensya.
Ayon sa Presidente ng PASAMASI, na si Ginoong Juan Principe, hinihikayat nito ang kaniyang mga kapwa magsasaka na magkaisa at magtulong tulong para lumago ang kanilang pamumuhay at makatulong sa pamayanan.
Nagpapasalamat din ang grupo ng mga magsasaka sa Dept. of Agri. Calabarzon sa sunod-sunod na tulong pangkabuhayan na natatanggap ng kanilang bayan at maging sa buong laguna province.