Malakanyang: Herd Immunity sa Covid-19, kayang abutin ng bansa ngayong taon
Tiwala ang Malakanyang na kayang abutin ang inaasam na Herd Immunity ng bansa sa COVID-19 ngayong taon.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na maganda ang sitwasyon ng bansa sa pagdating ng mga anti COVID-19 vaccine.
Ayon kay Roque, kung hindi magkakaaberya ay nasa pitong milyong doses ng anti COVID 19 vaccine ang inaasahang darating sa Pilipinas ngayong buwan.
Pagsapit aniya ng buwan ng Hunyo hanggang Hulyo ay nasa 20milyong doses ng bakuna ang darating pa sa bansa.
Niliwanag ni Roque kung magtutuluy-tuloy ang pagdating ng bakuna, matutupad ang hinahangad ng pamahalaan na makuha ang Herd immunity sa COVID-19 bago matapos ang kasalukuyan taon.
Magugunitang target ng Department of Health (DOH) na mabakunahan ang nasa tinatayang 50 hanggang 70 milyong mamamayan para makuha ang Herd immunity at mawakasan na ang Pandemya.
Vic Somintac