Industriya ng pagsasaka sa Angeles City patuloy na pinalalakas
Sa gitna ng hamong dala ng pandemya, patuloy pa ring sumusuporta ang Pamahalaang Lungsod ng Angeles, sa pangunguna ni Mayor Carmelo Lazatin, Jr. sa pagpapalakas ng industriya ng pagsasaka sa lungsod.
Siniyasat ni Mayor Lazatin ang donasyong kagamitan sa pagsasaka at mga pataba na mula sa Department of Agriculture – Region III, na siyang ibabahagi sa mga lokal na magsasaka sa lungsod, bilang suporta sa “Gulayan sa Barangay (GSB) Project at High Program Crops Development Program” ng ahensya ng rehiyon.
Nilalayon ng proyektong GSB na hikayatin ang bawat indibidwal, pamilya, komunidad lalo na ang mga kabilang sa Pantawid Pamilya na maglunsad ng gardening activities na siyang magtutaguyod sa produksyon ng pagkain ng bawat sambahayan, at magiging daan upang matiyak ang pagkakaroon ng sariwa at organikong mga pagkain.
Ulat ni Camille Marcial