DOTr nakatakdang ilunsad sa Cavite ang Free Ride Service Program nito
Iulunsad na rin ng Dept. of Transportation sa Cavite ang libreng sakay para sa mga frontliner at sa mga authorized person outside residence.
Sa mensahe ni DOTR Sec. Arthur Tugade sa inagurasyon ng bagong gusali ng LTO sa Imus Cavite, sinabi nitong pipilitin ng kalihim na maipatupad ng ahensya ang Free Ride Service Program para sa Health Workers, Authorized Persons Outside Residence (APORs), iba pang essential workers sa buong Cavite.
Sinabi pa ni Tugade na sa kabila ng pandemyang kinakaharap ngayon ng bansa ay patuloy ang DOTr na nagtatrabaho upang makumpleto ang mga mahahalagang proyektong pang-imprastraktura sa Cavite, kasama na ang inaabangang LRT-1 Cavite Extension Project.
Tiniyak din ng kalihim na walang magiging pagtaas sa pamasahe sa ilalim ng kanyang termino.
Umapela rin ito sa mga bus and jeepney driver and operator na tulungan ang mga kapwa Pilipino sa panahon ng pandemya.
“Pakiusap ko lang mamang tsuper, mamang driver, bus operator wala ho akong patakaran na mag-aallow na i-increase n’yo ‘yung pamasahe because during my term, no increases in fare rates. ‘Wag nyong gawin ‘yan,”
DOTr Sec. Arthur Tugade