Joint oil exploration ng Pilipinas at China napapanahon na – Sen. Gatchalian
Napapanahon na umanong simulan ng gobyerno ang joint exploration kasama ang China sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na Chairman ng Senate Energy Committee, na mismong ang Department of Energy ang nagsabing may potensyal na makakuha ng langis at gas na kailangan ng bansa oras na mawala na ang malampaya.
Maaring sumapat ang langis na makukuha rito sa loob ng labimpitong taon habang animnaraang taon ang gas.
Kailangan aniya itong ipursige ng gobyerno dahil maaring matuyuan na ang malampaya gas sa 2024.
Kailangan aniya ng tulong ng china o iba pang bansa dahil hindi kakayanin ng gobyerno ang gastusin para sa mga equipment at teknolohiya sa oil exploration.
Sa impormasyon ng senador mula sa doe may labing isa nang service contracts para sa gas at oil exploration pero anim sa mga isyu ang nagkakaroon ng problema dahil sa isyu naman ng nine dash line na iginigiit ng china.
Pero giit ng senador ang exploration ay maaring gawin sa loob ng 200 nautical miles na exclusive economic zone ng pilipinas.
Meanne Corvera