Daily Average Covid-19 cases sa bansa, bumaba ng 10 percent -OCTA
Bumaba ng 10 porsyento ang arawang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Mas mababa ito kumpara noong nakalipas na linggo.
Ayon sa OCTA Research team, ibinatay nila ang datos sa Covid Data Drop ng Department of Health mula sa mga peryodong May 9 – 15.
Partikular na bumaba ang kaso sa National Capital Region (NCR) na nasa 30 percent, sinundan ng Cavite na nasa 20 percent ang ibinaba kumpara noong nakalipas na peryodo.
Ang Laguna ay mayroong 17 percent na pagbaba, Bulacan ay 5 percent ang ibinaba at Rizal ay nakapagtala ng 29 percent na pagbaba sa mga kaso.
Sa NCR, ang Navotas ay nakapagtala ng pinaka-kaunting bagong mga kaso na nasa halos 16 lamang kaya nasa 19 percent ang ibinaba ng kanilang daily average rate.
Ang Quezon City na may pinakamataas na kaso ng Covid-19 sa buong NCR ay nakapagtala rin 25 percent na pagbaba sa kaso ngayong Linggo.
Sa bahagi naman ng Visayas at Mindanao, ang Negros Occidental ang nakapagtala ng 43 percent na pagbaba sa mga bagong kaso at ang South Cotabato na may 54 percent na pagbaba.